Sunday, September 28, 2014

A Blessed Sunday...(09.28.14)

This sunday for me is memorable kasi madaming nangyari sakin madami akong napatunayan sa sarili ko. akala ko hindi ko kayang magsalita sa harap ng madaming tao pero kaya ko pala. napili ako upang magsalita sa isang misa upang mag invite ng participants para sa aming christian life program. honestly nakakakaba kasi hindi naman talaga ako nagsasalita sa ganung kadaming tao kaya habang papalapit ako sa simbahan ay parang sasabog ang dibdib ko. hindi ku alam gagawin ko parang gusto ko umatras. pero isang bagay lang ang pumasok sa isipan ko gagawin ko to para sa panginoon. at nagdasal ako sa kanya at humingi ako ng lakas ng loob upang makayanan ko yung pagsasalita ko na yun.
Eto na at papalapit na yung part ko habang papalapit pakabog ng pakabog ang dibdib ko.. at nung ako na yung tinawag yung kaba ko yun yung naging sandata ko para makapagsalita ako sa harapan. at habang nagsasalita ako iniisip ko kaya ko to at para kay lord itong ginagawa ko. at nakaraos din ako sa pagiinvite. positive ako na madaming naantig sa mga sinabi ko at ma realize nila na kailangan nila ng service para kay lord. at may isa pa pala akong reason kung bakit pumayag ako magsalita sa harapan.. gusto ko na maramdaman din nila yung love na nafeel ko sa SFC community na to. at yung saya na naramdaman ko dito ay gusto ko ding ibahagi sa lahat. para sa akin isang achievement yung ginawa kong yon. hindi lang ako naktulong, natulungan kopa ang sarili ko labanan ang kaba ko. hehehe... salamat talaga kay lord.. :)

Saturday, September 27, 2014

My Christian Life Program

Ang buhay ko dati ay parang isang asong naliligaw. Hindi alam kunng Saan ako makakahanap ng pagmamahal na gusto ko. Mahal ako ng pamilya ko Pero may hinahanap akong kasiyahan na Hindi nabibigay ng pamilya. Hangang sa matagpuan ko ito sa isang komunidad na nagbigay sakin ng totoong kasiyahan sa buhay at ito ang Singles For Christ.
Noong una medyo Hindi kupa maintindihan yung message sakin ni God pero dahil sa SFC naapreciate kuna yung gustong iparating sakin ni Lord. To live simply,humbly and happy. sa ngayon naguumpisa palang ako sa christian life program ko. Alam ko sa program na ito madami pakong matutunan madami pakong mararanasan at higit sa lahat mas magiging close pakami ni God..ikaw? kamusta ang buhay mo??? Tara sali ka sa Christian Life Program ko.:-)